Senyor - Loonie

Senyor - Loonie

Год
2023
Язык
`Tagalog`
Длительность
224390

Di seguito il testo della canzone Senyor , artista - Loonie con traduzione

Testo " Senyor "

Testo originale con traduzione

Senyor

Loonie

Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik

Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid

Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit

Papunta ka pa lang pangwalo ko nang balik

Napakapait kahit magpakabait (uh)

Kadalasan kung itrato napakasakit (uh)

Pilit ginagaya’t pinaplano madaig

Parang tatay ng mga ingratong magkakapatid

Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis

Di rin basta nagpapadala sa dilang matamis

Pambihira ang bangis, tindigan at ng charisma partida di pa yan napapahiran ng

langis

Beterano ang galawan, malinis kung kumitil

Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil (uh)

Kung sasagot ka sakin sa dulo dapat may ser

Di tayo magkapareho matuto kang lumebel!

Di tayo pantay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Ako ang iyong itay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Di tayo pantay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Ako ang iyong itay

Halik sa singsing!

Halik sa singsing!

Halik sa singsing!

Ako naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik

Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid

Sa ganitong kultura di alam ang kalakip

Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid

Di to paingayan ng mga kanta sa net

O paramihan ng karangalang makakamit

O pabilisan sa karera, sa eksena sa halip

Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik

Di mo nabatid?

Dami mong kalaban

Hindi ka babayaran kung walang palakpakan

Yung mga kritiko na maraming nalalaman

At yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan

Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran

Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang

'Pagkat madali magrap at sumampa sa tanghalan

Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?

Di tayo pantay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Ako ang iyong itay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Di tayo pantay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Ako ang iyong itay

Halik sa singsing!

Halik sa singsing!

Halik sa singsing!

Mga ginoo at ginang

Nais ko pong magbigay-pugay

Sa mga senyor at mga senyora

Na nauna sa’kin

Simulan natin kay Francis Magalona

Andrew E, Michael V, Gloc 9 at Apoka

Urban Flow, Arbiewon, Mastaplann, BB Clan

Legit Misfitz, Ghetto Doggs (version one)

Denmark, Kulay, MC Lara, Lady Di

Bass Rhyme Posse, 4Eastflava, DFT

SVC, Madd Poets, Dcoy, Pamilya D

M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy

Death Threat, Syke, Oblaxz, Mastershock

Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb

Chinese Mafia, Down Earf, Nastymack

Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track

Pasensya di kumpleto di ko nabanggit lahat

Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap

Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak

Hayaan nyong alayan ko kayo ng mga bulaklak

Di tayo pantay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Ako ang iyong itay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Di tayo pantay

Halik sa singsing!

Magmano ka sabay

Halik sa singsing!

Ako ang iyong itay

Halik sa singsing!

Halik sa singsing!

Halik sa singsing!

Oltre 2 milioni di testi

Canzoni in diverse lingue

Traduzioni

Traduzioni di alta qualità in tutte le lingue

Ricerca rapida

Trova i testi che ti servono in pochi secondi