All School - Gloc-9

All School - Gloc-9

Год
2020
Язык
`Tagalog`
Длительность
138010

Di seguito il testo della canzone All School , artista - Gloc-9 con traduzione

Testo " All School "

Testo originale con traduzione

All School

Gloc-9

Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal

Taga sulat ng tula kahit medyo matagal

Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal

Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal

Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal

Taga sulat ng tula kahit medyo matagal

Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal

Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal

Bakit kailangang pakinggan ang mga hirit ng inggit di mo naman katuwang sa

mabibigat

Habang lumalakad sa mataas na bangin hindi ka umiiling kahit matamaan ng kidlat

Sigaw ka ng sigaw pero walang nakikinig walang bumibilib hanggang sa tuluyan

kang mamalat

Makamit mo lamang ang mga minimithi mong pangarap hindi bale nang mamatay ka

nang dilat

Nakakapuwing ang lupa pag tumama sa mata

Mahirap mag salita pag nilamon ka ng kaba

Pang hinaan man ng loob huwag kang mag pahalata

Kung hindi mo man maaninag puwede kang mangapa

Maputikan man ang iyong mga palad o paa

Sarili mo lamang ang syang kalaban mo di iba

Habulin mo nang habulin kung sino ka sa pangarap

Iyong mahahanap kapag nasa malayo ka na

Tanawin mo ang mga dinaanan mo dati

Kalimutan ang mga masasama na sinabi

Iwasang maka sagi ng paa kung maaari

Kahit na kung minsan ay medyo nakakalalaki

Ayos lang

Basta relax ka lang

Huwag kang hibang

Huwag padamihin ang ilang

Nang iilang

Ikaw lang ang nag iisang

May alam

Kung anong mapupuntahan

Nang yong ginagawa

Meron ka ba dyang mapapala

Kahit sabihin pa ng iba na yan ay gawa gawa

Hindi naman imbitado

Kinakapalan ang mukha

Kinakausap ang sarili

Medyo maluha luha

Punasan asan na ang pag asa

Sa musika parang nawalan ka ng panglasa

Walang mainit na tubig madami ang tasa

Sa panahon ngayon di madali ang umasa

Bobolahin ka ng mga kumpanya

Pero ang mahalaga lamang ay ang kanya

Babalutan ng mga salitang kay ganda

Bago pa mahulugan ang iyong alkansya

Madaming nag sasabi sayo na umalis ka nalang

Ginagalingan mo palagi pero panis ka naman

Natuyo nang mga labi na hindi madampian

Ng mamantika na ulam sa aming hapag kainan

Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa

Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa

Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa

Madaling matatapos kung maayos ang umpisa

Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa

Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa

Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa

Madaling matatapos kung maayos ang umpisa

Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal

Taga sulat ng tula kahit medyo matagal

Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal

Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal

Ako si Gloc9 batang binangonan Rizal

Taga sulat ng tula kahit medyo matagal

Hirap tyaga dugo pawis na may kasamang dasal

Tandang tanda parin ang amoy ng tubig sa kanal

Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa

Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa

Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa

Madaling matatapos kung maayos ang umpisa

Piliin lagi ang tama tapos iwasan yung isa

Yan ang awitin ng buhay di mahirap makabisa

Huminahon ka lamang at huwag kang mag pa balisa

Madaling matatapos kung maayos ang umpisa

Oltre 2 milioni di testi

Canzoni in diverse lingue

Traduzioni

Traduzioni di alta qualità in tutte le lingue

Ricerca rapida

Trova i testi che ti servono in pochi secondi