Oka - Gloc-9, Loir

Oka - Gloc-9, Loir

Год
2021
Язык
`Tagalog`
Длительность
309490

Di seguito il testo della canzone Oka , artista - Gloc-9, Loir con traduzione

Testo " Oka "

Testo originale con traduzione

Oka

Gloc-9, Loir

Buti na lang

Sakin ay dumalaw ka

Kung sino pa

Yung di ko kilala

Buti naman

May nakaalala pa

Sa tulad kong

Lagi na lamang

Mag-isa

Ang himbing ng tulog ko dito sa sulok ng aking selda

Nang may tumawag sa akin

Di ako makapaniwala

Ang tagal ko nang naka kulong ni wala manlang nangamusta

Bakit ka ba naparito? Teka muna sino ka ba?

Tawag nila sakin ay Waki di mo nako natatandaan?

Nakainuman kita dati

Dun sa luma niyong paradahan

Ah ikaw ba yun o anong kailangan mo sakin?

Wala naman tol gusto lamang kitang kausapin

May dala ako ditong damit

Baka nagugutom ka

Hetong pagkain naka balot

Pwede mong bigyan ang iba

Oh ayos ah ano tayo mag syota?

Pero salamat

Sana nagdala ka ng toma

Kung pwede lang sana eh

Teka maiba ako

Kumusta ka naman dito?

Eto dakilang preso

Napapadalas manalangin

Pero naniwala na rin

Na masyadong mataas ang langit

At dito sa baba ang impyerno

Buti na lang

Sakin ay dumalaw ka

Kung sino pa

Yung di ko kilala

Buti naman

May nakaalala pa

Sa tulad kong

Lagi na lamang

Mag-isa

Ano nang plano mo?

Ano pa eh di maghintay ng milagro

Yun lang naman ang pwede kong gawin eh umasa kay poncio pilato

Tsaka wala naman akong babalikan sa labas

Dati nakong tambay

Lagi pang utas

Sakit ng ulo ni Tatay

Palamunin ni Nanay

Di ako nakatapos

Suki pa ng away

Wala na ngang trabaho

Sa bisyo alipin pa

Alak pati droga

Sige mamili ka

Di ko naman sila masisisi

Anong gagawin ko ganito ako

Sino ba naman ang mawiwili

Pati kasintahan ko ginoyo ko

Pero kung bakit ako naka kulong?

Ibang usapan yun

Tungkol dun sa babaeng pinatay

Basta wala akong alam dun

Bigla nalamang akong dinampot

Sabi nila ako daw

Dito nako bumantot

Gusto ko nang bumitaw

Minsan nga naiisip ko eh

Napariwara na ba ako

Buti nalang dumaan ka may nakakausap ako

Buti na lang

Sakin ay dumalaw ka

Kung sino pa

Yung di ko kilala

Buti naman

May nakaalala pa

Sa tulad kong

Lagi na lamang

Mag-isa

O bakit ngayon ka lang bumalik?

Pinaghintay mo ako ng matagal

Ano ka nag papasabik?

'Yang mukha mong makapal

Umalis ka na dito di kita kailangan

Bakit ka nagagalit?

Ikaw nga tong dinadamayan

Huwag kang magmamalaki sakin

Baka mapahiya ka

At malaman ng lahat ng tao

Kung bakit hindi ka makalaya

Yung nobyang ginoyo mo diba yun yung namatay?

Dahil gusto mong kunin yung pera pati relo niya sa kamay!

Kasi lulong ka sa droga

Kaya lahat tinalo mo

'Yang pangalan mong Oka

Gasgas na yan sa inyo

Tapos lagi kang nagwawala

Kapag malakas yung tama mo

Kaya kawawa yung mga mahal mo

Sa pag mamakaawa mo!

Hindi ka nila natitiis kasi mahal ka nila

Pero hinayaan mong numipis lahat ng pasesnya nila

Tama lang sayo yan

Ang mabagansya ka

Isipin mo ninakaw mo pati sa pamangkin mong alkansya

Akala mo ba may kausap ka?

Sira wala

Nasa mandaluyong ka

Wala ka sa munting lupa

At hindi araw ang buwan

Huwag mong kulayan ng dilaw

Si Oka ay si Waki

Kasi ako ikaw

Oltre 2 milioni di testi

Canzoni in diverse lingue

Traduzioni

Traduzioni di alta qualità in tutte le lingue

Ricerca rapida

Trova i testi che ti servono in pochi secondi