Buhay - Gloc-9

Buhay - Gloc-9

Год
2021
Язык
`Tagalog`
Длительность
242970

Di seguito il testo della canzone Buhay , artista - Gloc-9 con traduzione

Testo " Buhay "

Testo originale con traduzione

Buhay

Gloc-9

Lagi kang nangangarap

Lagi mong hinahanap

Kay tagal mong hinihintay

Ang inaasam mong tagumpay

Bagong kotse

Sariling bahay

Maraming pera

Iwas tambay

Ito sagot dyan

Simple lang naman ang buhay

Sipag na may kasabay na husay

Simple lang naman ang buhay

Sipag at tiyaga

Upang may mapala

Gising na tanghali na nakatirik na

Araw at biyaya ay may naka kuha nang iba

Yan ang laging sinasabi samin ng aking ina

Pag di ka parin bumanong ay tatamaan ka pa

Mag kape ka na may mainit pa dyang pandesal

At mantikilya huwag mong kalimutang mag dasal

Bilisan mo na bawas bawasan mo din ang pasyal

Tandaan mo lagi na di ka anak ng opisyal

Hindi kami habang panahon nandito sige ka

Baka magaya ka sa iba dito di kita

Pinalaking kulang sa sentido kumon na

Puwede mong gamitin ng pulido kasi nga

Masikip lang ang bangka kaya huwag kang malikot

Tiyagain mo sa harap bantayan mo ang likod

Tapos tandaan ang buhay kaylan may di deremote

Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote

Simple lang naman ang buhay

Sipag na may kasabay na husay

Simple lang naman ang buhay

Sipag at tiyaga

Upang may mapala

Sasakay ako ng jeep papunta sa cubao

Lilipat sa bus na hindi crossing ibabaw

Bababa don sa ayala ingat baka maligaw

Bitbit ang bio data may larawang dikit na hilaw

Gamit ay kaning lamig kung tawagin ay bahaw

Kakainin mo parin kahit na medyo nilangaw

Puwede na kahit mababa ang sweldong pinataw

Basta matanggap ako sa trabaho ngayong araw

Makisama sa mga nauna sayo doon

Kahit na kung tratuhin ka lamang nila ay miron

Basta kung di mataas iwasan mong tumalon

Kung walang masasabing mabuti huwag kang tumugon

Masikip lang ang bangka nahuhulog ang malikot

Diinan sa harap pero bantayan mo ang likod

Tapos tandaan ang buhay kaylan may di deremote

Galingan mo muna sa trabaho bago mapromote, ha!

Simple lang naman ang buhay

Sipag na may kasabay na husay

Simple lang naman ang buhay

Sipag at tiyaga

Upang may mapala

Simple lang naman ang buhay

Sipag na may kasabay na husay

Simple lang naman ang buhay

Sipag at tiyaga

Upang may mapala

Oltre 2 milioni di testi

Canzoni in diverse lingue

Traduzioni

Traduzioni di alta qualità in tutte le lingue

Ricerca rapida

Trova i testi che ti servono in pochi secondi